Miyerkules, Hulyo 18, 2012

Ang Tunay na Kalayaan



                Marami sa atin na nagsasabi na ang ibig sabihin ng kalayaan ay ang paggawa ng ating gustong gawin at wala itong limitasyon.Magagawa natin ang ating gustong gawin..kahit ano-ano man ito...Pero ito ba talaga ang tunay na ibig sabihin ng kalayaan?.

Ang kalayaan ay ang paggawa ng ating gustong gawin,sabi nila at pati na rin ako na nagsasabi na yan ang ibig sabihin ng kalayaan.Magagawa natin ang lahat - lahat pagkat tayong lahat ay may kalayaan.Ang kalayaan ay parang ibon na lumilipad sa ire..Parang tubig na umaagos.Nagiging masaya tayo pagkat nagagawa natin ang gusto nating gawin..Mayron tayong kalayaan na gawin ito..Pero nagagamit ba talaga natin ang ating kalayaan ng tama at wasto?.

Sa panahon ngayon, maraming mga tao na inaabuso ang kanilang mga kalayaan.Halimbawa,mga taong gumagawa ng hindi tama.Nagdro-droga at pumapatay ng tao.May mga kabataan na gumagawa ng masama.Inaabuso nila ang kanilang mga kalayaan dahil sa bansa nating Pilipinas, ang mga kabataan ay hindi pwedeng makulong.Napapariwara ang kanilang mga landas.Maraming mga kabataan ang nasasangkot sa mga karumal-dumal na krimen.Ito ba talaga ang tunay na ibig sabihin ng kalayaan?.

Noon, para sa akin, naniniwala talaga ako na ang kalayaan ay ang paggawa natin ng ating gustong gawin. Pero ngayon, napagtanto ko ang aking isip na ang kalayaan ay ang paggawa ng tama na walang limitasyon ito. Kailangan natin gamitin ng wasto ang ating kalayaan.Maraming naghahangad na mga tao ng tunay na kalayaan.Gaya ng ating mga bayani, lumaban talaga sila para sa ating mga kalayaan kaya huwag nating sayangin ang kanilang mga sakripisyo.Sila ay nagbuwis ng buhay para makamit lamang ang inaasam-asam na kalayaan.Huwag natin itong i-abuso.Pag-isipan muna natin ang ating mga gagawin bago ito gawin.Maswerte tayo dahil mayron tayong kalayaan.Magpasalamat tayo sa panginoon.


 

              Kalayaan huwag sayangin!Maswerte tayo dahil mayron tayong kalayaan!! Dapat gamitin natin ito ng tama at dapat na mahalin.
Mag-isip tayo ng mabuti!!!

1 komento: